Untitled No. 8
(tugon muli para sa makatang si Lala Mae)
Sa bawat pagsikat ng Araw
At sa bawat sinag na kanyang hatid
Ay may isang buwang nakatingin
Naghihintay; nagmamasid
Minsa'y nasobrahan sa liwanag
At si Buwa'y di na mabanaagan
Pero di nito ibig sabihin
Na si Araw ay kanya nang iniwan
Dahil napaamo na ng Araw ang Buwan
Di kailan maiisip na lumayo
Dala ni Buwa'y liwanag ng Araw
Saan man siya magtungo
Sa bawat pagsikat ng Araw
At sa bawat sinag na kanyang hatid
Ay may isang buwang nakatingin
Naghihintay; nagmamasid
Minsa'y nasobrahan sa liwanag
At si Buwa'y di na mabanaagan
Pero di nito ibig sabihin
Na si Araw ay kanya nang iniwan
Dahil napaamo na ng Araw ang Buwan
Di kailan maiisip na lumayo
Dala ni Buwa'y liwanag ng Araw
Saan man siya magtungo